12
Ang mga Haring Natalo ng mga Israelita
1 Nasakop ng mga Israelita ang lupain sa silangan ng Ilog Jordan, buhat sa Ilog Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon, at nalupig nila ang mga hari roon.
2 Ang una'y si Sihon, ang hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa Hesbon. Sakop niya buhat sa bayan ng Aroer sa Ilog Arnon, pati ang kalahati ng libis nito, hanggang sa Batis ng Jabok sa may hangganan ng mga Ammonita. Samakatuwid, sakop niya ang kalahati ng Gilead,
3 gayundin ang Araba sa gawing silangan ng Jordan, buhat sa gilid ng Lawa ng Cineret patungo sa Beth-jesimot sa gawing silangan, hanggang sa Dagat na Patay tuloy sa paanan ng Bundok ng Pisga papuntang timog.
4 Nalupig din nila si Haring Og ng Bashan, isa sa ilang natira sa lahi ng mga higante. Nanirahan ang haring ito sa Astarot at sa Edrei.
5 Sakop niya ang kabundukan ng Hermon, ang Saleca, ang buong Bashan hanggang sa lupain ng mga Gesureo at mga Maacateo. Kasama pa rin ng nasasakupan niya ang kalahati ng Gilead, karatig ng lupain ni Sihon na hari ng Hesbon.
6 Ang dalawang ito'y nilupig ng mga Israelita, sa pamumuno ni Moises. Ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh ang mga lupain nila sa lipi ni Ruben, ni Gad at sa kalahati ng lipi ni Manases.
Ang mga Haring Natalo ni Josue
7 Sa pamumuno ni Josue, tinalo ng mga Israelita ang mga hari sa kanluran ng Ilog Jordan: buhat sa Baal-gad, sa kapatagan ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halac, sa pag-ahon ng Bundok Seir. Ang kanilang mga lupai'y pinaghati-hati ni Josue sa mga lipi ng Israel upang maging pag-aari ng mga ito habang panahon.
8 Saklaw ng mga lupaing iyon ang kaburulan, ang mga kapatagan, ang Araba, ang paanan ng mga bundok, ang ilang, at ang Negeb. Doon naninirahan ang mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hivita at Jebuseo.
9 Ito ang mga haring tinalo ng Israel sa pamumuno ni Josue: ang mga hari ng Jerico at ng Ai na malapit sa Bethel;
10 ang mga hari ng Jerusalem at Hebron;
11 ng Jarmut at ng Laquis;
12 ng Eglon at ng Gezer;
13 ng Debir at ng Geder;
14 ng Horma at ng Arad;
15 ng Libna at ng Adullam;
16 ng Maceda at ng Bethel;
17 ng Tapua at ng Hefer;
18 ng Afec at ng Lasaron;
19 ng Madon at ng Hazor;
20 ng Simron-meron at ng Acsaf;
21 ng Taanac at ng Megido;
22 ng Kades at ng Jokneam sa Carmelo;
23 ng Dor sa baybayin ng Dor, ang hari ng mga Goyim sa Galilea,
24 at ang hari ng Tirza. Lahat-lahat ay tatlumpu't isang hari.