67
Awit ng Pagpapasalamat
Isang Awit na kinatha upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng mga instrumentong may kuwerdas.
1 O Diyos, pagpalain kami't kahabagan,
kami Panginoo'y iyong kaawaan, (Selah)*
2 upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.
 
3 Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
 
4 Nawa'y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa. (Selah)†
 
5 Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
 
6 Nag-aning mabuti ang mga lupain,
pinagpala kami ni Yahweh, Diyos namin!
 
7 Magpatuloy nawa iyong pagpapala
upang igalang ka ng lahat ng bansa.
* 67:1 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2. † 67:4 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.