15
1 Pahayag tungkol sa Moab. Tunay nga, sa loob ng isang gabi, nasalaula at nawasak ang Ar ng Moab; tunay nga, sa loob ng isang gabi, nasalaula at nawasak ang Kir ng Moab.
2 Pumunta sila sa templo, pumunta sa matataas na lugar ang mga tao sa Dibon para umiyak; nagluksa ang Moab dahil sa Nebo at Medeba. Kinalbo ang kanilang mga ulo at pinutol ang kanilang mga balbas.
3 Sa kanilang mga lansangan, nagsuot sila ng sako; nanangis sila sa tuktok ng kanilang mga bahay at sa plasa.
4 Tumawag ng tulong ang Hesbon at Eleale; narinig ang kanilang tunog sa kasing layo ng Jahaz. kaya tumawag ng tulong ang mga armadong kalalakihan ng Moab; nanginginig sila.
5 Umiiyak ang aking puso para sa Moab; pumunta ang mga takas sa kanila sa Zoar at Eglat-Selisiya. Pumunta sila sa taas ng Luhit nang umiiyak; papunta sa Horonaim, malakas silang nanangis dahil sa kanilang pagkawasak.
6 Natuyo ang mga tubig sa Nimrim; natuyot ang mga damo at namatay ang mga bagong tubong damo; wala ng luntiang makikita.
7 Ang kasaganahang pinalaki nila at inipon ay natangay palayo sa batis ng mga poplar.
8 Maririnig ang kanilang mga iyak sa buong teritoryo ng Moab; maririnig ang kanilang pagtatangis na kasing layo ng Eglaim at Beer-elim.
9 Dahil puno ng dugo ang mga tubig ng Dimon; pero magdadala pa ako ng mas marami sa Dimon. Isang leon ang aatake sa mga tatakas mula sa Moab at pati ang mga naiwan sa lupain.