48
Dakila si Yahweh at lubos na dakila para purihin, sa lungsod ng ating Diyos sa kaniyang bundok na banal. Ang pagiging matayog nito ay kay gandang pagmasdan, ang kagalakan ng buong mundo, ay ang Bundok ng Sion, sa mga dako ng hilaga, ang lungsod ng Haring dakila. Nagpakilala ang Diyos sa kaniyang mga palasyo bilang isang kublihan. Pero, tingnan niyo, ang mga hari ay pinulong ang kanilang mga sarili; sila ay dumaan nang magkakasama. Nakita nila ito, pagkatapos sila ay namangha, sila ay nasiraan ng loob at nagmamadaling lumayo. Pangangatog ang bumalot sa kanila doon, sakit gaya ng isang babaeng nanganganak. Sa pamamagitan ng hangin ng silangan sinira mo ang mga barko ng Tarsis. Gaya ng aming narinig, ay ganoon din ang aming nakita sa lungsod ni Yahweh ng mga hukbo, sa lungsod ng ating Diyos; itatatag ito ng Diyos magpakailanman. Selah Naalala namin ang tungkol sa iyong katapatan sa tipan, O Diyos, sa gitna ng iyong templo. 10 Gaya ng iyong pangalan, O Diyos, gayundin ang papuri sa iyo hanggang sa mga dulo ng mundo; ang iyong kanang kamay ay puno ng katuwiran. 11 Hayaan mong ang Bundok ng Sion ay matuwa, hayaan mong ang mga anak na babae ng Juda ay magsaya dahil sa iyong makatuwirang mga kautusan. 12 Maglakad sa palibot ng Bundok Sion, umikot ka sa kaniya; bilangin mo ang kaniyang mga tore, 13 masdan mong mabuti ang kaniyang mga pader, at tingnan ang kaniyang mga palasyo nang sa gayon masabi mo ito sa susunod na salinlahi. 14 Dahil ang Diyos na ito ang ating Diyos magpakailanpaman; siya ang ating magiging gabay hanggang sa kamatayan.