20
1 Nang sumapit ang tagsibol sa panahon na karaniwang nakikipagdigma ang mga hari. Pinangunahan ni Joab ang hukbo sa labanan at winasak nila ang lupain ng mga Ammonita. Pumunta siya at sinalakay ang Rabba, nanatili si David sa Jerusalem. Nilusob ni Joab ang Rabba at tinalo ito.
2 Kinuha ni David ang korona ng kanilang hari mula sa ulo nito at nalaman niya na nagtitimbang ito ng isang talentong ginto at may mga mamahaling bato. Inilagay ang korona sa ulo ni David at inilabas niya ang napakalaking bilang na sinamsam sa lungsod.
3 Pinalabas niya ang mga tao na nasa lungsod at sapilitan silang pinagtrabaho gamit ang mga lagari, mga matutulis na bakal at mga palakol. Iniutos ni David sa lahat ng mga lungsod ng mga Ammonita na gawin ang trabahong ito. Pagkatapos, bumalik si David at ang lahat ng kaniyang hukbo sa Jerusalem.
4 At nangyari pagkatapos nito, nagkaroon ng digmaan sa Gezer laban sa mga Filisteo. Napatay ni Sibecai na Husatita si Sipai, isa sa mga kaapu-apuhan ng Refaim at nasakop ang mga Filisteo.
5 At muling nangyari sa digmaan laban sa mga Filisteo sa Gob, pinatay ni Elhanan na anak ni Jair na taga-Bethlehem si Lahmi na kapatid ni Goliath na taga-Gat, na ang sibat ay katulad ng kahoy na ginagamit ng manghahabi.
6 At nangyari na sa isa pang labanan sa Gat, may isang lalaking sobrang tangkad na may tig-aanim na daliri sa bawat kamay at tig-aanim na daliri sa bawat paa. Mula rin siya sa lahi ng Refaim,
7 Nang kutyain niya ang hukbo ng Israel, pinatay siya ni Jehonadab na anak ni Simea, na kapatid ni David.
8 Ito ay mga kaapu-apuhan ng Refaim sa Gat, at sila ay pinatay sa pamamagitan ng kamay ni David at sa kamay ng kaniyang mga kawal.