SAAN HAHANAPIN SA BIBLIA
KAPAG...
Ang nais mo’y kapanatagan ng loob Jn. 14; Ro. 8
Maayos ang takbo ng iyong buhay Awit 33:12-22, 100; 1 Tim. 6; San. 2:1-17
Wala ka nang mahihiling pa para sa iyong sarili Kaw. 11; Lu. 16
Naghahanap ka ng magandang kapalaran Mt. 7
Sinisimulan mo ang isang bagong gawain Awit 1; Kaw. 16; Fil. 3:7-21
Binigyan ka ng pananagutan Jos. 1:1-9; Kaw. 2; 2 Cor. 8:1-15
Sinisimulan mong itatag ang iyong sariling pamilya Awit 127; Kaw. 17; Ef. 5; Co. 3; 1 Ped. 3:1-17; 1 Jn. 4
Magliliwaliw ka Mt. 15:1-20; 2 Cor. 3; Ga. 5
Nais mong magtagumpay sa pakikitungo sa kapwa Ro. 12
Nag-aalala ka sa kalagayan ng mga mahal mo sa buhay Awit 121; Lu. 17
Mahina ang iyong negosyo Awit 37, 92; Manga. 5
Pinanghihinaan ka ng loob Awit 23, 42, 43
Lalo yatang sumasama ang mga pangyayari 1 Tim. 3; Heb. 13
Tila yata tinalikuran ka na ng iyong mga kaibigan Mt. 5; 1 Cor. 13
Dumaranas ka ng matinding kalungkutan Awit 46; Mt. 28
Natutukso kang gumawa ng mali Awit 15, 19, 139; Mt. 4; San. 1
Para yatang malungkot ang paligid Awit 34, 71; Isa. 40
Masyado kang abala Manga. 3:1–15
Hindi ka makatulog Awit 4, 56, 130
May kagalit ka Mt. 18; Ef. 4; San. 4
Ikaw ay napapagod Awit 95:1-7; Mt. 11
Pinahihirapan ka ng pagkabalisa Awit 46; Mt. 6
KUNG...
Hinahamon ka ng mga kaaway Ef. 6; Fil. 4
Humaharap ka sa kagipitan Job 28:12-28; Kaw. 8; Isa. 55
Naninibugho ka Awit 49; San. 3
Hindi ka mapakali Awit 40, 90; Heb. 12
Nagdadalamhati ka 1 Cor. 15; Pah. 21, 22; 1 Tes. 4:13–5:28
Ikaw ay nababagot 2 Ha. 5; Job 38; Awit 103, 104; Ef. 3
May lihim kang galit sa iba Lu. 6; 2 Cor. 4; Ef. 4
Dumanas ka ng matitinding kabiguan Co. 1; 1 Ped. 1
Naging suwail ka Isa. 6; Mc. 12; Lu. 5
Kailangan mong patawarin Mt. 23; Lu. 15; Filem.
SA PANAHONG...
Maysakit Awit 6, 39, 41, 67; Isa. 26
Nadarama mong mahina ang iyong pananampalataya Awit 126, 146; Heb. 11
Iniisip mo na parang malayo ang Diyos Awit 25, 125, 138; Lu. 10
Ikaw ay maglalakbay Awit 119; Kaw. 3, 4
Inaayos mo ang mga gastusin Mc. 4; Lu. 19
Ikaw ay pabaya at mapagwalang bahala Mt. 25; Pah. 3
Ikaw ay nalulungkot o natatakot Awit 27, 91; Lu. 8; 1 Ped. 4
Takot ka sa Kamatayan Jn. 11, 17, 20; 2 Cor. 5; 1 Jn. 3; Pah. 14
Ikaw ay nagkasala Awit 51; Isa. 53; Jn. 3; 1 Jn. 1
Nais mong malaman ang paraan ng pagdalangin 1 Ha. 8:12-61; Lu. 11, 18
Nais mong parangalan ang Diyos Awit 24, 84, 116; Isa. 1:10-20; Jn. 4:1-45
Nagmamalasakit ka sa layunin ng Diyos para sa kalagayan ng bansa Deut. 8; Awit 85, 118, 124; Isa. 41:8-20; Mik. 4, 6:6-16
MATATAGPUAN MO...
Ang Sampung Utos Exo. 20; Deut. 5
Ang Awit ng Pastol Awit 23
Ang Kapanganakan ni Jesus Mt. 1, 2; Lu. 2
Ang Mapalad Mt. 5:1-12
Ang Ama Namin Mt. 6:5-15; Lu. 11:1-13
Ang Sermon sa Bundok Mt. 5, 6, 7
Ang Pinakamahalagang Utos Mt. 22:34-40
Ang Dakilang Atas Mt. 28:16-20
Ang Talinhaga tungkol sa Mabuting Samaritano Lu. 10
Ang Talinhaga tungkol sa Alibughang Anak Lu. 15
Ang Talinhaga tungkol sa Manghahasik Mt. 13; Mc. 4; Lu. 8
Ang Huling Paghuhukom Mt. 25
Ang Pagpako sa Krus, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Jesus Mt. 26, 27, 28; Mc. 14, 15, 16; Lu. 22, 23, 24; Jn. 13–21
Ang Pagbaba ng Espiritu Santo Gw. 2
Ang Nangingibabaw na Layunin ng Bible Society
“Ang Biblia sa wika ng mga tao”— ito ang diwang pumapatnubay sa gawain ng Philippine Bible Society. Ang buong programa ng Bible Society ay nababatay sa isang layuning magkaroon ang lahat ng tao ng pagkakataong marinig, mabasa, o malaman ang Salita ng Diyos sa wikang madali nilang maunawaan at sa halagang kaya nilang bayaran.
Ang teksto Magandang Balita Biblia, 2005 na ginamit dito ay walang kasamang mga doktrinang pumapanig sa isang grupo o relihiyon. Ang aklat na ito ay isang halimbawa ng ginagawa ng mga Bible Society upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao tungkol sa Salita ng Diyos.
Taun-taon, lumalago ang programa ng Bible Society sa pagsasalin ng Biblia sa wikang ginagamit ng mga tao. Sa maraming mga bansa at wika, isinasabalikat ng mga Bible Society ang malaking bahagi ng halagang kailangan sa pamamahagi ng Biblia. Sa ganitong paraan, napapababa ang presyo ng Biblia upang ito ay makayang bilhin ng halos lahat ng tao.
Ang pinakamahalagang gawain sa mundo ay ang matulungan ang tao upang makarinig, makabasa o makaalam ng Salita ng Diyos. Sa kasalukuyan, halos 90% ng tao sa buong mundo ang nakinabang na sa mahigit na dalawang daang taong paglilingkod ng mga Bible Society.
Kung nais mong makatulong sa pangangailangan ng mga tao tungkol sa Salita ng Diyos, sumulat lamang sa:
PHILIPPINE BIBLE SOCIETY
890 United Nations Avenue
1000 Manila, Philippines
Tel. No.: 526-7777; 521-5792
Email: info@bible.org.ph
Visit PBS on the web at www.bible.org.ph
KRONOLOHIYA NG BIBLIA
(Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari)
B.C. = Bago isinilang si Cristo
c. = circa (humigit-kumulang)
PETSAAng ginamit na sukat ng panahon ay kumakatawan sa iba’t ibang bilang ng mga taon.
BAGO ANG PANAHON NG NAISULAT NA KASAYSAYAN MGA PASIMULA: MGA PANGYAYARI BAGO ANG NAISULAT NA KASAYSAYAN
Ang Paglilikha
Sina Adan at Eva sa Hardin ng Eden
Sina Cain at Abel
Si Noe at ang Baha
Ang Tore ng Babel
2000 B.C. ANG MGA NINUNO NG BANSANG ISRAEL
Si Abraham sa Palestina. c. 1900
Ang Kapanganakan ni Isaac.
Ang Kapanganakan ni Jacob.
1800 B.C. Si Jacob ay may labindalawang anak na siyang ninuno ng labindalawang lipi ng Israel. Ang pinakabantog sa mga ito ay si Jose, na naging tagapayo ng Hari ng Egipto.
1600 B.C.ANG MGA ISRAELITA SA EGIPTO
Ang lahi ni Jacob ay inalipin sa Egipto. c. 1700–c. 1290
1250 B.C. Pinangunahan ni Moises ang mga Israelita sa paglabas sa Egipto. c. 1290
Ang paglalakbay sa ilang. Sa panahong ito tinanggap ni Moises ang Kautusan sa Bundok ng Sinai. c. 1290–c. 1250
ANG PAGSAKOP AT PAGTAHAN SA CANAAN
Si Josue ang namuno sa unang bahagi ng pagsalakay sa Canaan. c. 1250
Ang Israel ay nanatiling isang malayang kalipunan ng mga lipi. Namuno sa bansa ang mga bayaning kinilala bilang Mga Hukom.
ANG NAGKAKAISANG KAHARIAN NG ISRAEL
Ang Paghahari ni Saul c. 1030-c. 1010
Ang petsang circa ay isang pagtantsa lamang sapagkat hindi lubhang tiyak ang pagtantsa sa petsa noong mga unang panahon. Buhat sa panahon ng pagkamatay ni Solomon noong 931 B.C. hanggang sa Kautusan ni Ciro noong 538 B.C., ang mga petsang ibinigay ay di gaanong nalalayo. Magkamali man, ito’y lampas o huli ng isa o dalawang taon lamang.
 
1000 B.C.Ang Paghahari ni David c. 1010–c. 970
Ang Paghahari ni Solomon c. 970–c. 931
950 B.C.ANG DALAWANG KAHARIAN NG ISRAEL
JUDA (Kaharian sa Timog) ISRAEL (Kaharian sa Hilaga)
Mga Hari Mga Hari
Rehoboam 931–913 Jeroboam 931–910
Abias 913–911 Nadab 910–909
900 B.C.Asa 911–870 Baasa 909–886
Ela 886–885
Mga Propeta
Jehoshafat 870–848 Zimri 7 araw noong 885
Omri 885–874
Elias
850 B.C.Joram 848–841 Ahab 874-853
Ahazias 841 Ahazias 853–852
Joram 852–841
Reyna Atalia 841–835EliseoJehu 841–814
Joas 835–796 Joacaz 814–798
800 B.C.Amazias 796–781 Joas 798–783
Uzias 781–740
Jeroboam II 783-743
Jonas
Amos
750 B.C. Zacarias 6 buwan, 743
Jotam 740–736 Sallum 1 buwan, 743
Hosea
Menahem 743-738
Ahaz 736-716
MikasPekahias 738-737
IsaiasPeka 737–732
Oseas 732–723
Ezequias 716–687 Pagbagsak ng Samaria 722
 
700 B.C. MGA HULING TAON NG KAHARIAN NG JUDA
Manases 687-642
650 B.C.Amon 642–640
Mga Propeta
Josias 640–609 Zefanias
Joahaz, atlung bulan, 609
Nahum
600 B.C.Jehoiakim 609-598Jeremias
Joahaz 3 buwan, 609 Habakuk?
Zedequias 598-587 Ezekiel
Pagbagsak ng Jerusalem, Hulyo, 587 o 586
550 B.C.ANG PAGKAKABIHAG AT PAGBABALIK
Dinalang bihag sa Babilonia ang mga Judio matapos bumagsak ang Jerusalem
Pasimula ng pamahalaang Persiano. 539 Mga Propeta
Deklarasyon ni Ciro: Maaari nang bumalik ang mga Judio sa Jerusalem.538HagaiZacarias
Itinayo ang mga Pundasyon ng Bagong Templo. 520ObadiasDaniel
Muling pagtatayo ng pader ng Jerusalem. 445–443Malakias
Joel?
 
400 B.C. ANG PANAHON SA PAGITAN NGDALAWANG TIPAN
Itinatag ni Alexander ang pamahalaang Griego sa Palestina. 333
Mga “Tolomeo” ang namamahala sa Palestina. Sila ay mula sa angkan ng isang heneral ni Alexander, na siyang ginawang pinuno sa buong Egipto. 323-198
200 B.C.Ang Palestina ay pinamahalaan ng mga “Seleucido” na mula sa angkan ng isa pang heneral ni Alexander na namuno naman sa Siria. 198-166
Nang maghimagsik ang mga Judio sa pangunguna ni Judas Macabeo, muling nagkaroon ng kalayaan ang bansang Judio. Ang namuno sa Palestina ay ang mga Hasmoneano, mula sa pamilya ni Judas. 166-63
 
Sinakop ng Romanong heneral na si Pompey ang Jerusalem 63 B.C. Namahala sa Palestina ang mga haring hinirang ng Roma na sunudsunuran sa kanila. Isa rito ay ang Dakilang Herodes na namahala mula noong 37 B.C. - 4 B.C.
A.D. 1ANG PANAHON NG BAGONG TIPAN
Ang Kapanganakan ni Jesus
A.D. 30Ang Ministeryo ni Juan na tagapagbautismo; pagbautismo kay Jesus at pasimula ng kanyang ministeryo.
Kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus.
Ang pagkatawag kay Pablo (Saulo ng Tarso) c. A.D. 37
Ang ministeryo ni Pablo c. A.D. 41 - A.D. 65
Ang huling pagkabilanggo ni Pablo c. A.D. 65
Ang kasalukuyang panahon ay tinayang nagsimula sa kapanganakan ni Jesu- Cristo noong A.D. 1 (A.D. = Anno Domini ‘taon ng Panginoon’). Nang tumagal, natuklasang maaga nang ilang taon ang orihinal na kalkulasyon, kaya, ang kapanganakan ni Cristo ay naganap marahil noong 6 B.C.