15
Ang Lupang para sa Lipi ni Juda
Ang lupaing napapunta sa lipi ni Juda ay mula sa dulo ng Edom at hanggang sa ilang ng Zin sa kaduluhan sa gawing timog.
Ito ang pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi. Nagmula ang hangganan ng lupaing ito sa timog ng Dagat na Patay, nagtuloy sa Landas ng Acrabim, at lumampas patungo sa ilang ng Zin. Buhat doo'y umahon sa Kades-barnea, nagdaan ng Hezron, nagtuloy sa Adar at lumikong patungo sa Carca. Matapos tahakin ang Asmona, tinunton ang batis ng Egipto at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Ito ang hangganan ng Juda sa timog.
Sa gawing silangan ang hangganan ng lupaing ito'y ang Dagat na Patay hanggang sa bunganga ng Jordan. Dito naman nagsimula ang hangganang hilaga. Umahon ito sa balikat ng Beth-hogla, dumaan sa hilaga ng Beth-araba at nagtuloy sa Bato ni Bohan, na anak ni Ruben. Buhat sa Libis ng Kaguluhan, umahon sa Debir at nagtuloy sa hilaga. Lumiko ito patungong Gilgal na nasa tapat ng Pag-ahon sa Adumim sa timog ng libis, tumawid ng batis ng En-shemes at nagtuloy sa Batis ng En-rogel. Buhat dito'y paahong tinahak ang Libis ng Ben Hinom na nasa timog ng burol ng mga Jebuseo (na tinatawag ding Jerusalem). Umahon uli patungo sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng kanluran ng Libis ng Ben Hinom at sa dulong hilaga ng Libis ng Refaim. Buhat sa taluktok ng bundok ay lumikong patungo sa Batis ng Neftoa, at lumabas sa mga lunsod sa Bundok ng Efron, at bumaling na papuntang Baala (na tinatawag ding Lunsod ng Jearim). 10 Umikot sa kanluran ng Baala patungo sa Bundok ng Seir, nagdaan sa libis na hilaga ng Bundok Jearim (na tinatawag ding Kesalon), lumusong na patungong Beth-semes, at nagtuloy sa Timna. 11 Buhat naman dito, umahon sa libis ng Bundok sa hilaga ng Ekron at bumaling na papuntang Sicron. Tinahak ang Bundok ng Baala, lumabas sa Jabneel, at nagtapos sa Dagat Mediteraneo na siyang naging 12 hangganan sa kanluran. Ito ang mga hangganan ng lupaing napapunta sa lipi ni Juda na pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi.
Sinakop ni Caleb ang Hebron at Debir
(Huk. 1:11-15)
13 Gaya+ ng sinabi ni Yahweh kay Josue, isang bahagi ng lupaing kaparte ng lipi ni Juda ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune. Ibinigay sa kanya ang Hebron, ang lunsod na dating sakop ni Arba na ama ni Anac. 14 Pinalayas ni Caleb sa lupaing iyon ang tatlong anak na lalaki ni Anac: sina Sesai, Ahiman at Talmai. 15 Pagkatapos, nilusob niya ang Debir, na noong una'y tinatawag na Lunsod ng Sefer. 16 At sinabi ni Caleb, “Ipakakasal ko ang anak kong si Acsa sa sinumang sumalakay at sumakop sa Lunsod ng Sefer.” 17 Si Otniel na anak ni Kenaz na kapatid ni Caleb ang nakagawa niyon, kaya't si Acsa'y ipinakasal ni Caleb kay Otniel. 18 Nang makasal na ang dalawa, sinabi ni Otniel sa asawa na humingi ng isang bukirin kay Caleb na kanyang ama. Pumunta nga si Acsa kay Caleb, at pagkababa sa asnong sinasakyan, tinanong siya ni Caleb, “Anong kailangan mo?”
19 Sumagot si Acsa, “Bigyan mo po ako ng makukunan ng tubig, sapagkat lupang tigang ang ibinigay mo sa akin.” Kaya't ibinigay sa kanya ni Caleb ang mga bukal sa gawing itaas at sa gawing ibaba.
Ang mga Lunsod ng Juda
20 Ito ang mga lupaing napapunta sa lipi ni Juda, at pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi. 21 Ang mga lunsod na nasa kadulu-duluhang timog, sa may hangganan ng Edom ay ang Cabzeel, Eder at Jagur; 22 Cina, Dimona at Adada; 23 Kades, Hazor at Itnan; 24 Zif, Telem at Bealot; 25 Hazor-hadata, Kiryot-hesron (na tinatawag ding Hazor); 26 Amam, Shema at Molada; 27 Hazar-gada, Hesmon at Beth-pelet; 28 Hazar-shual, Beer-seba at Bizotia; 29 Baala, Iyim at Ezem; 30 Eltolad, Cesil at Horma; 31 Ziklag, Madmana at Sansana; 32 Lebaot, Silhim, Ayin at Rimon; dalawampu't siyam na lunsod, kasama ang mga nayon sa palibot.
33 Ang mga lunsod sa kapatagan ay ang sumusunod: Estaol, Zora at Asena; 34 Zanoa, En-ganim, Tapua at Enam; 35 Jarmut, Adullam, Soco at Azeka; 36 Saaraim, Aditaim, Gedera at Gederotaim. Lahat-lahat ay labing-apat na lunsod pati ang mga nayong nasa paligid.
37 Kasama rin ang mga sumusunod: Zenan, Hadasa at Migdal-gad; 38 Dilan, Mizpa at Jokteel; 39 Laquis, Bozcat at Eglon; 40 Cabon, Lamam at Kitlis; 41 Gederot, Beth-dagon, Naama at Makeda; labing-anim na lunsod, kasama ang mga nayong nasa paligid.
42 Kabilang din ang Libna, Eter at Asan; 43 Jefte, Asena at Nezib; 44 Keila, Aczib at Maresa—siyam na lunsod at ang mga nayon sa palibot.
45 Gayon din ang lunsod ng Ekron at ang mga bayan at nayon sa paligid; 46 ang lahat ng mga lunsod sa malapit sa Asdod buhat sa Ekron hanggang sa Dagat Mediteraneo.
47 Kasama rin ang mga lunsod ng Asdod at Gaza, at ang mga bayan at nayong sakop nila, hanggang sa batis ng Egipto at baybayin ng Dagat Mediteraneo.
48 Sa kaburulan naman ay ang mga lunsod ng Samir, Jatir, Soco; 49 Dana, Kiryat Sanna (na tinatawag ding Debir), 50 Anab, Estemoa at Anim; 51 Goshen, Holon at Gilo—labing-isang lunsod, kasama pati ang kanilang mga nayon.
52 Gayon din ang Arab, Duma at Eshan, 53 Janim, Beth-tapua at Afeca; 54 Humta, Lunsod ng Arba o Hebron at Sior—siyam na lunsod kasama ang mga nayon sa paligid.
55 Kabilang pa rin ang Maon, Carmelo, Zif at Juta; 56 Jezreel, Jocdeam at Zanoa, 57 Cain, Gabaa at Timna—sampung lunsod at ang mga nayon sa paligid.
58 Halhul, Beth-sur at Gedor, 59 Meara, Beth-anot at Eltecon—anim na lunsod, kasama ang kanilang mga nayon.
60 Kasama rin ang lunsod ng Baal (o Lunsod ng Jearim), at ang Rabba—dalawang lunsod kasama ang kanilang mga nayon.
61 Sa ilang naman, ang Beth-araba, Midin at Secaca; 62 Nibsan, ang Lunsod ng Asin at En-gedi—anim na lunsod, kasama pati ang mga nayon sa paligid nila.
63 Ngunit+ hindi napaalis ng lipi ni Juda ang mga Jebuseo na naninirahan sa Jerusalem, kaya hanggang ngayo'y kasama nilang naninirahan doon ang mga ito.
+ 15:13 Huk. 1:20. + 15:63 Huk. 1:21; 2 Sam. 5:6; 1 Cro. 11:4.