16
Ang Lupaing para sa Lipi ng Efraim at Manases
1 Ang lupaing napapunta sa angkan ni Jose ay nagsisimula sa Jordan sa tapat ng Jerico—sa silangan ng batis ng Jerico; papunta sa ilang, at umahon sa kaburulan hanggang sa Bethel; 2 buhat sa Bethel ay nagtuloy sa Luz at nilakbay ang Atarot na lupain ng mga Arkita; 3 bumabâ pakanluran sa lupain ng mga Jaflatita, nagdaan sa hangganan ng Timog Beth-horon, tumuloy ng Gezer, at nagwakas sa Dagat Mediteraneo.
4 Ito ang lupaing napapunta sa angkan ni Jose, sa mga lipi ni Efraim at Manases.
5 Ang hangganang silangan ng lupaing napunta sa lipi ni Efraim ay ang Atarot-adar, hanggang sa Hilagang Beth-horon. 6 Buhat doon ay naglakbay sa timog ng Micmetat, at nagtungo sa Dagat Mediteraneo. Sa gawing silanga'y lumikong patungo sa Taanat-silo, at buhat doo'y nagtuloy sa may silangan ng Janoa. 7 Lumampas ng Janoa at bumabâ sa Atarot at Naara, nagdaan sa tabi ng Jerico at nagtapos sa Jordan. 8 Pumakanluran buhat sa Tapua, namaybay ng batis ng Cana, at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Ito ang lupaing napapunta sa lipi ni Efraim, 9 bukod sa mga bayan at nayong ibinigay sa kanila sa nasasakupan ng lupain ng lipi ni Manases. 10 Hindi+ na nila pinaalis ang mga Cananeong nakatira sa Gezer, kaya may mga Cananeong naninirahan sa Efraim hanggang ngayon. Subalit sapilitang pinagtrabaho ang mga ito bilang mga alipin.
+ 16:10 Huk. 1:29.