54
Panalangin Upang Saklolohan
Isang Maskil* + ni David, upang awitin ng Punong Mang-aawit; sa saliw ng mga instrumentong may kuwerdas.
1 Makapangyarihang Diyos, ako'y iligtas,
ipagsanggalang mo ng iyong lakas.
2 Dinggin mo, O Diyos, aking panalangin,
iyo ngang pakinggan, aking mga daing.
3 Ang nagmamataas ay laban sa akin,
hangad ng malupit ang ako'y patayin,
kanilang nilimot na ang Diyos ay sundin. (Selah)†
 
4 Batid kong ang Diyos ang siyang tutulong,
tagapagsanggalang ko, aking Panginoon.
5 Ang hinahangad ko ay maparusahan sa gawang masama ang mga kaaway;
ang Diyos na matapat, sila'y wawakasan.
 
6 Buong galak naman akong maghahandog
ng pasasalamat kay Yahweh,
dahilan sa kanyang kagandahang-loob.
7 Iniligtas ako sa kabagabagan, iniligtas niya sa mga kaaway,
at aking nakitang sila ay talunan!
* 54: MASKIL: Tingnan ang Awit 32. + 54: 1 Sam. 23:19; 26:1. † 54:3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.