5
Ang Lahi ni Adan
(1 Cro. 1:1-4)
Ito+ ang kasaysayan ng lahi na mula kay Adan. Nang likhain ng Diyos ang tao, ginawa niya ito ayon sa kanyang larawan. Sila'y+ nilikha niya na lalaki at babae, at matapos pagpalain, sila'y tinawag niyang “Sangkatauhan”.* Si Adan ay 130 taon nang maging anak niya si Set na kanyang kalarawan. Nabuhay pa siya nang walong daang taon, at nagkaroon pa ng mga anak na lalaki't babae. Namatay siya sa gulang na 930 taon.
Si Set ay 105 taon nang maging anak niya si Enos. Nabuhay pa siya nang 807 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. Namatay siya sa gulang na 912 taon.
Siyamnapung taon naman si Enos nang maging anak niya si Kenan. 10 Nabuhay pa siya nang 815 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 11 Namatay siya sa gulang na 905 taon.
12 Si Kenan naman ay pitumpung taon nang maging anak si Mahalalel. 13 Nabuhay pa si Kenan nang 840 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 14 Namatay siya sa gulang na 910 taon.
15 Animnapu't limang taon si Mahalalel nang maging anak si Jared. 16 Nabuhay pa si Mahalalel nang 830 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 17 Namatay siya sa gulang na 895 taon.
18 Si Jared ay 162 nang maging anak niya si Enoc. 19 Nabuhay pa si Jared nang 800 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 20 Namatay siya sa gulang na 962 taon.
21 Animnapu't limang taon naman si Enoc nang maging anak niya si Matusalem. 22 Tatlong daang taon pang nabuhay si Enoc na kasama ang Diyos, at nagkaroon ng iba pang mga anak. 23 Umabot siya nang 365 taon, 24 at+ sa buong panahong iyon ay namuhay siyang kasama ng Diyos. Pagkatapos, nawala siya sapagkat kinuha siya ng Diyos.
25 Si Matusalem ay 187 taon nang maging anak niya si Lamec. 26 Nabuhay pa si Matusalem nang 782 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 27 Namatay siya sa gulang na 969 na taon.
28 Si Lamec naman ay 182 taon nang magkaroon ng anak. 29 Sinabi niya, “Mula sa lupang ito na isinumpa ni Yahweh, ipinanganak ang lulunas sa lahat ng ating mga pagpapagal at paghihirap.” Kaya't Noe ang ipinangalan niya sa kanyang anak. 30 Nabuhay pa si Lamec nang 595 taon at nagkaroon din siya ng iba pang mga anak. 31 Namatay siya sa gulang na 777 taon.
32 Si Noe nama'y 500 na nang maging anak niya sina Shem, Ham at Jafet.
+ 5:1 Gen. 1:27-28. + 5:2 Mt. 19:4; Mc. 10:6. * 5:2 Sangkatauhan: o kaya'y Adan. + 5:24 Ecc. 44:16; 49:14; Heb. 11:5; Ju. 14. 5:29 NOE: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Noe” at “lunas” ay magkasintunog.